20 August 2025
Calbayog City
Metro

Minimum Wage Earners, dapat bigyan din ng 50% discount sa LRT at MRT

NANAWAGAN ang Trade Union Congress of the Philippines kay Department of Transportation Secretary Vince Dizon na isama ang mga Minimum Wage Earners sa mabibigyan ng 50 percent na diskwento sa pamasahe sa LRT-1, LRT-2, at MRT-3.

Ayon kay TUCP Party-list Reprensentative at House Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza, habang nakabinbin ang mga panukalang batas para sa dagdag-sahod dapat na gumawa ng paraan para matulungan ang mga Minimum Wage Earners.

Sa computation ng TUCP kung ang Round Trip na pamasahe sa LRT-2 mula Antipolo hanggang Recto ay P70 kada araw, katumbas ito ng P1,680 na gastusin kada buwan para sa mga nagtatrabaho ng anim na araw kada linggo.

Kung binibigyan na ng diskwento ang mga estudyante, Senior Citizens at PWDs sinabi ng TUCP na hindi dapat maiwan ang mga sumasahod lang ng minimum. 

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.