DUMATING na sa bansa ang dating NBA Star na si Dwight Howard.
Ibinahagi ni Howard sa social media ang kanyang pagdating sa Pilipinas, kasama ang naturalized player na si Andray Blatche.
Sina Howard at Blatche ay makakasama nina Andre Roberson na nauna nang dumating noong sabado, at Mckenzie Moore sa kampanya ng strong group sa Dubai International Basketball Championship.
Kabilang din sa koponan ang Collegiate Standouts na sina Kevin Quiambao at Francis Escandor ng De La Salle University, at Tony Ynot, Justine Sanchez, at Allen Liwag ng College of St. Benilde.