NASAWI ang limang indibidwal matapos mahulog sa bangin ang isang dump truck sa Davao Oriental.
Lulan ng trak na may kargang graba ang sampung indibidwal, kabilang ang driver nang mangyari ang aksidente sa Barangay Pichon sa Caraga.
ALSO READ:
Bumulusok ang trak sa walumpung metrong lalim na bangin matapos mawalan ng kontrol sa sasakyan ang driver sa palusong na kalsada.
Dead on the spot ang limang pasahero kabilang ang isang engineer matapos maipit ng sasakyan at matabunan ng graba.
Samantala, sugatan naman ang natitirang apat na pasahero, gayundin ang driver ng truck.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang insidente.




