NILINAW ng Department of Trade and Industry (DTI) na wala pang pinal na desisyon sa panukalang payagan ang mga Sari-Sari Store na makapagbenta ng Over-The-Counter na mga gamot.
Pahayag ito ng DTI makaraang magpahayag ng pagkabahala ang Pharmaceutical at Healthcare Sectors sa panukala ng isang kumpanya payagang makapagbenta ng Over-The-Counter medicines ang mga Sari-Sari Store.
Ayon sa pahayag ng DTI, batid ng kagawaran ang potensyal na banta nito sa kalusugan ng publiko.
Sinabi ng DTI na panukala pa lamang ito sa ngayon at wala pang pinal na pasya tungkol dito.
Siniguro din ng ahensya na hindi ito basta-basta magpapasya nang walang isinasagawang konsultasyon sa stakeholders na posibleng maapektuhan ng polisiya.