WALANG magiging pagtaas sa presyo ng mga pangunahing produkto hanggang sa matapos ang buwan ng Abril.
Tiniyak ito ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ma. Cristina Roque matapos makipagpulong sa mga manufacturer.
ALSO READ:
Idinagdag ni Roque na bukod sa walang pagbabago sa presyo at wala ring inaasahang kakapusan sa supply.
Maglilibot aniya ang DTI at patuloy na i-mo-monitor ang mga palengke at supermarkets upang matiyak na available ang basic goods at nanatili sa rasonableng presyo.
Kabilang sa mga produktong walang paggalaw sa presyo ang sardinas, processed milk, tinapay, kape, locally-manufactured instant noodles, bottled water, laundry soap, kandila, asin, canned meat, condiments at toilet soap.




