5 July 2025
Calbayog City
Business

DTI naglabas ng price guide sa school supplies para sa nalalapit na pasukan

dti

Inilabas ng Department of Trade and Industry (DTI) ang “Gabay sa Pamimili ng School Supplies” o Price Guide para sa school supplies.

Ito ay bunsod ng nalalapit na pagbubukas ng School Year 2025-2026.

Ayon sa Fair Trade Group (FTG) ng DTI, may mga school supplies na bumaba ang presyo habang ang iba naman ay hindi nagbago ang presyo.


Batay sa price guide, ang presyo ng 80 leaves writing notebooks ay naglalaro sa P15 hanggang P52.

Ang 80 leaves composition notebooks naman ay nasa P18 hanggang P52.

Ang 80 leaves spiral notebooks ay nasa P20 hanggang P49 ang presyo.

Ang pad papers para sa Grades 1 to 4 ay nasa P15 hanggang P37 ang halaga.

Ang lapis naman ay P11 to P17 kada isa.

Kasama din sa gabay na inilabas ng DTI ang presyo ng iba pang school supplies gaya ng ballpen, pantasa, pambura, at pangkulay. Maaaring makita ang kabuuan ng latest “Gabay sa Pamimili ng School Supplies” sa website ng DTI website.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.