BINALAAN ng Department of Trade and Industry o DTI ang publiko na maging maingat sa pagsali-sali sa mga pa-raffle, draw at iba pang aktibidad sa Online Platforms.
Ayon sa DTI, dapat tiyakin muna na lehitimo ang sinasalihang Raffle o Promo.
ALSO READ:
Paliwanag ng ahensya, hindi nito sakop ang mga Gambling Activities kabilang o Online Betting at iba pang gaya nito gayunman ang mga pa-raffle na ginagamit para sa Sales Promotion ay dapat mayroong permit sa DTI.
Ayon sa ahensya, maaaring malaman kung lehitimo ang Promo sa pamamagitan ng IRegIS Website ng agensya.
I-click lamang ang “Search”, piliin ang “Sales Promotion Permit”, ilagay ang Permit at Series Numbers at saka muling pindutin ang “Search”.




