PUSPUSAN ang repacking na ginagawa ng mga volunteer ng Department of Social Welfare and Development para matiyak ang sapat na suplay ng Family Food Packs.
Ayon sa DSWD, tuluy-tuloy ang pagtatrabaho ng kanilang mga volunteer sa Luzon Disaster Resource Center sa Pasay City, upang masiguro ang mabilis na pag-replenish ng food packs sa gitna ng nararanasang pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.
Kabilang sa mga volunteer na tumutulong sa repacking ay pawang mula sa Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Fire Protection at Regis Marie College.
Day of Mourning, idineklara ng Cebu City para sa mga biktima ng pagguho sa Binaliw landfill; death toll, umakyat na sa 20
8 taong gulang bata, pinatay sa saksak sa San Pablo City sa Laguna
Bilang ng mga nasawi sa pagguho ng landfill sa Cebu City, umakyat na sa 6
Halos 3,000 personnel, ipakakalat para sa Ati-Atihan Festival
ayon sa DSWD marami ding dumadating na walk-in volunteers na naglalaan ng kanilang panahon at lakas para sa mga nangangailangan ng tulong sa Bicol.
Hanggang ngayong Martes ng umaga, sinabi ng DSWD na umabot na sa mahigit 5,300 Food Packs ang napamahagi sa mga pamilyang nasa evacuation centers sa Bicol Region.
kabilang din sa naipamahaging tulong ng mahigit 1,000 Ready-To-Eat Food boxes at mahigit 2,200 na Non-Food Items.
