TINIYAK ng Department of Social Welfare and Development – Eastern Visayas na may sapat itong suplay sakaling may mga pamilyang mangailangan ng tulong dahil sa nararanasang pag-ulan dulot ng shear line.
Ayon sa DSWD – Field Office 8, mayroon itong available relief resources na nagkakahalaga ng mahigit P130 million.
ALSO READ:
Mahigit 196 billion pesos na halaga ng mga proyekto, inendorso ng Regional Development Council sa Eastern Visayas
Calbayog bishop, hinikayat ang lahat na maging instrumento ng pag-asa at pagbabago sa lipunan
NGCP, may pahinumdom hiunong hin pagpapalupad hin saranggola
Regional Level Top 7 Most Wanted Person, arestado ng Calbayog CPS
Kabilang dito ang mahigit P2 million na standby funds at mahigit P128 million na halaga ng food at non-food items.
Mayroon ding nakahandang mahigit 127,900 na Family Food Packs (FFPs) na handing ipamahagi sa maaapektuhang pamilya.
Patuloy ang paalala ng DSWD sa publiko na maging maingat at alerto sa anumang oras.
Agad ding makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan kung sakaling mangailangan ng tulong.
