BINUHUSAN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng 3.15 billion pesos ang social pension para sa mahihirap na senior citizens sa Eastern Visayas Region noong 2024.
Ayon sa DSWD-Eastern Visayas Regional Office, pinakinabangan ito ng mahigit 270,000 na mahihirap na matatanda mula sa anim na lalawigan sa rehiyon.
Mangrove areas sa Tacloban, isasailalim sa rehabilitasyon
DSWD, naglabas ng 48 million pesos na cash aid para sa trike drivers sa Eastern Visayas
Eastern Visayas Regional Hospital, sisimulan ang transplant operation sa 3rd quarter ng 2026
Mahigit 500 na mangingisda sa Northern Samar, makatatanggap ng fuel subsidy
Mula sa 3.15 billion pesos na disbursed social pension, 1.66 billion pesos ang ni-release sa unang anim na buwan ng 2024; 813.36 million pesos noong third quarter; at 673.59 million pesos noong fourth quarter.
Sa mga lalawigan, Leyte ang tumanggap ng malaking bahagi ng social pension funds noong nakaraang taon na may 1.35 billion pesos.
Sumunod ang Samar, 526.86 million pesos; Northern Samar, 387.84 million pesos; Southern Leyte, 348.37 million pesos; Eastern Samar, 295.86 million pesos; at Biliran, 159.02 million pesos.
