NAKIPAGSANIB pwersa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga paaralan sa Eastern Visayas para sa expanded Tara, Basa! Tutoring program.
Layunin nito na matulungan ang mga batang mag-aaral na hindi makabasa o hirap na makabasa, at mabigyan ng ayuda ang college students kapalit ng kanilang tutorial services.
Napaulat na expansion ng Geothermal Project, itinanggi ng mga opisyal sa Biliran
Mga biyahe sa karagatan sa Eastern Visayas, pinayagan na muli ng coast guard
Illegal gun dealer, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Calbayog City
Halos 3 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan, ipinagkaloob ng DOLE sa mga grupo ng kababaihan sa Southern Leyte
Ayon kay DSWD Regional Information Officer Jonalyndie Chua, sa Tacloban City ay lumagda ang DSWD ng kasunduan sa Leyte Normal University (LNU) at Eastern Visayas State University (EVSU).
Aniya, sa pamamagitan ng programa, ang mga estudyante mula sa EVSU at LNU ay magsisilbing tutors ng mga batang mag-aaral.
Bilang kapalit ay pagkakalooban sila ng DSWD ng modified cash o educational assistance, na makatutulong sa kanila, gaya ng transportasyon, boarding, at iba pang gastusin sa kanilang pag-aaral.
Inihayag ng DSWD na naghahanap pa sila ng school partners sa Ormoc City.
