AABOT sa dalawandaang pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na sumiklab sa Barangay Addition Hills sa Mandaluyong City.
Mabilis na kumalat ang apoy dahil dikit-dikit ang mga bahay na gawa sa light materials.
ALSO READ:
Nahirapan din ang mga bumbero na apulahin ang apoy dahil sa masikip ang mga daan papasok sa lugar na pinangyarihan ng sunog na umabot sa ikatlong alarma.
Pitong indibidwal ang naitalang nasaktan sa insidente, kabilang ang apat na fire volunteers at isang miyembro ng Bureau of Fire Protection.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng insidente at halaga ng mga natupok na ari-arian.




