KASADO na ang malawakang Kilos Protesta ng iba’t ibang grupo kontra katiwalian na isasagawa sa February 25.
Kasabay ito ng paggunita ng 40th Anniversary ng EDSA Revolution.
ALSO READ:
Ayon sa grupong Taumbayan Ayaw sa Magnanakaw at Abusado Network Alliance o TAMA NA, ang ikakasang protesta ay paalala sa gobyerno at publiko na mas malakas ang boses kung sama-sama ang pagkilos.
Panawagan din ng grupo ang mas masusing imbestigasyon sa flood control scandal dahil mas pili lang umano ang mga kinakasuhan.
Tiniyak naman ng PNP na handa itong magtiyak ng seguridad at kapayapaan sa rally.




