22 November 2024
Calbayog City
Province

Drayber, patay makaraang sumalpok sa tindahan at magliyab ang minamanehong fuel tanker sa La Trinidad, Benguet

PATAY ang isang driver sa Benguet nang bumangga ang minamaneho niyang fuel tanker sa isang tindahan sa La Trinidad, at nagpasiklab sa napakalaking sunog na nagdulot ng labing isang milyong pisong halaga ng pinsala.

Limang kabahayan at labing isang mga sasakyan ang tinupok ng apoy na nangyari, pasado ala una ng madaling araw kahapon.

Kasalukuyan ding mino-monitor ng rural health unit ng munisipalidad ang kondisyon ng dalawampu’t siyam pang mga indibidwal.

Ayon sa may-ari ng sari-sari store, mayroong auto repair shop na nadamay din sa aksidente.

Inihayag naman ng La Trinidad Fire Station na tumagilid ang tanker na may kargang 40,000 liters ng diesel fuel matapos bumangga.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).