IPINASA ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Drainage Master Plan ng lungsod sa layong suportahan ang hakbang ng administrasyon para masolusyonan ang pagbaha.
Sinimulan ang Drainage Master Plan noong 2021 na unang termino ni Moreno bilang mayor sa lungsod at nakasaad dito ang Scientific at Technical Framework para matutunan ang problema sa baha sa lungsod.
Manila district engineer, pinagpapaliwanag ng DPWH hinggil sa mga iregularidad sa Sunog Apog Pumping Station
Flood Control Facility sa Maynila, ininspeksyon ng ICI
Mga nanggulo sa rally sa Maynila, sasampahan ng patong-patong na kaso – Mayor Isko
Kaso ng Influenza-like Illness sa QC lagpas na sa epidemic threshold
Binanggit naman ni Pangulong Marcos kay Moreno na ipapasa ang Master Plan ng lungsod sa Department of Public Works and Highways at sa Metro Manila Development Authority.
Nagtungo sa Maynila ang pangulo para pangunahan ang pamamahagi ng Relief Assistance sa mga nasunugang pamilya sa Happyland, Tondo na pansamantalang namamalagi sa Antonio Villegas High School.