TATAPUSIN na ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang kanilang imbestigasyon sa paggamit ng Confidential Funds ng opisina ni Vice President Sara Duterte.
Ipinaliwanag ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua, chairman ng komite, na ang pagtatapos ng kanilang pagsisiyasat ay magbibigay-daan sa AFP para makapagsagawa sila ng imbestigasyon sa dalawang military officers na umano’y tumanggap ng bahagi ng confidential funds mula sa Office of the Vice President.
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Idinagdag ni Chua na ang desisyon na tapusin na ang kanilang imbestigasyon ay may kinalaman din sa impeachment complaints na isinampa laban sa bise presidente.
Sakaling matuloy aniya ang impeachment complaints, ang House Committee on Justice ang magte-takeover sa imbestigasyon.