INAMIN ni Dating Bulacan 1st Assistant District Engineer Brice Hernandez na “Substandard” at hindi sunod sa plano ang lahat ng proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kanilang Engineering Office sa Bulacan.
Sa pagpapatuloy ng Pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kahapon, sinabi ni Brice na hindi naabot ng lahat ng Infrastructure Projects sa kanyang nasasakupan ang kinakailangang Standards simula noong 2019, dahil sa kanilang mga “Obligasyon” para sa mga naglalaan ng pondo o Proponents.
Kabilang niya sa mga proyektong ito ay Flood Control, gusali, kalsada, at maging mga silid-aralan.
Idinagdag ni Hernandez na naging Substandard ang kanilang mga proyekto mula nang dumating sa kanilang opisina si Dismissed Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara noong 2019.




