NANAWAGAN ang Department of Public Works and Highways (DPWH)-Eastern Visayas sa mga trucker na tumalima sa Anti-Overloading Law.
Kasunod ito ng insidente kung saan isang truck ang nasira ang axle nito habang bumabagtas sa San Juanico Bridge.
Hiniling ni DPWH Eastern Visayas Regional Director Edgar Tabacon ang kooperasyon ng truckers at hauling service providers na sumunod sa kani-kanilang itinakdang gross vehicle weight at axle load limits.
Alinsunod sa Republic Act No. 8794 o Anti-Overloading Law, ang bigat ng isang truck ay hindi dapat lalagpas sa 13.5 tons.