Inatasan ni Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon ang lahat ng empleyado ng ahensya na ibigay ang kanilang full cooperation sa imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure o ICI.
Ito ay para makatulong at mapabilis ang isinasagawang sa imbestigasyon ICI sa anomalya sa flood control projects.
Finger Heart Sign ni Sarah Discaya, itinuturing ng DOJ na kawalan ng sinseridad
Hearings ng ICI, hindi mapapanood sa livestream – Executive Director
Mahigit 1,300 mga silid-aralan, sinira ng Bagyong Opong at ng Habagat – DepEd
26, napaulat na nasawi bunsod ng mga Bagyong Mirasol, Nando, at Opong, at maging Habagat – NDRRMC
Sa memorandum ni Dizon, inatasan ang lahat ng DPWH employees na gawing available ang lahat ng dokumento at impormasyon na kakailanganin ng ICI.
Kung kinakailangan ang kanilang testimonya ay inatasan din silang humarap sa pagdinig.
Maging ang mga opisyal at empleyado ng DPWH na nakatalaga sa field offices ay inatasan na asistehan ang ICI kapag magsasagawa ito ng pagbisita o inspeksyon sa mga flood control at iba pang infrastructure projects.