UMAASA si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na magpapatuloy ang maayos na rehabilitasyon sa ibang bahagi ng EDSA.
Kasunod ito ng matagumpay na implementasyon ng unang phase ng Rehabilitation Project nitong holiday season.
ALSO READ:
“No Permit, No Rally” Policy, ipatutupad ng NCRPO sa 40th EDSA People Power Anniversary
MMDA, nakipagpulong sa mga organizer ng idaraos na Trillion Peso March
NCRPO, naka-full alert simula sa Feb. 21 kaugnay ng EDSA Anniversary at Trillion Peso March
24/7 na repair works sa EDSA, planong ipatupad ng DPWH sa Semana Santa
Ininspeksyon ni Dizon ang bagong EDSA Busway Lane mula sa Roxas Boulevard sa Pasay City hanggang sa Orense sa Makati City, bilang bahagi ng implementasyon ng Phase 1 ng proyekto.
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang DPWH sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at sa Department of Transportation para sa rehabilitasyon ng natitirang bahagi ng EDSA.
