BINALAAN ng Public Works Secretary Manuel Bonoan ang mga tiwaling district engineer na sangkot sa mga maanomalyang Flood-Control Project.
Ginawa ng kalihim ang babala, kasunod ng pagdakip kay DPWH Batangas 1st District Engineer Abelardo Calalo bunsod ng umano’y pagtatangka sa suhulan ang isang mambabatas para pigilan ang pag-iimbestiga sa Flood-Control Projects sa lugar.
ALSO READ:
DILG, nagpaliwanag; ipinatupad na Class Suspensions, rekomendasyon ng NDRRMC
CIAP at PCAB, sasailalim sa Direct Supervision ng DTI secretary
Sarah Discaya, binansagang “Flood Control Queen”
Bidding sa lahat ng pinondohang proyekto ng DPWH, sususpindihin ni Sec. Vince Dizon; Foreign-Assisted Projects, magpapatuloy
Sinabi ni Bonoan na hindi siya magdadalawang isip na alisin ang mga district engineer kapag may nalaman pa siyang ganitong mga pangyayari.
Inamin ng DPWH chief na mayroon pang mga district engineer na Under Investigation kaugnay ng mga umano’y iregularidad.
Gayunman, naniniwala si Bonoan na masyado pang maaga para ilabas ang lahat ng mga dokumento.