PATULOY ang pamamayagpag ng BINI na binubuo nina Jhoanna, Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, at Sheena.
Ito’y matapos mapasakamay ng P-Pop Powerhouse ang trophy para sa Best Female Group sa 2025 Iteration ng Jupiter Music Awards.
Iprinisinta ang trophy sa Nation’s Girl Group noong Sabado, Nov. 29, sa Emtek Studio City sa Jakarta, Indonesia.
Gayunman, hindi nakadalo ang female octet dahil nasabay ito sa kanilang “Binified” Year-End Concert sa Philippine Arena sa Bulacan.




