BINIBERIPIKA ng Office of Civil Defense (OCD) sa Central Visayas ang Reports na labinsiyam ang nasawi sa rehiyon sa gitna ng pananalasa ng Typhoon Tino.
Ayon kay OCD Central Visayas Director Joel Erestain, sa mga napaulat na nasawi, apat ay mula sa Danao City sa Cebu; anim sa Mandaue City; walo sa Cebu City; at isa sa Panglao, Bohol.
ALSO READ:
Kabilang sa mga dahilan ng kanilang pagkamatay ay pagkalunod at tinamaan ng bumagsak na puno.
Sinabi ni Erestain na isang taon hanggang mahigit animnapung taon ang edad ng mga nasawi.
Samantala, pitong indibidwal naman ang napaulat na nawawala, na kinabibilangan ng isa sa Danao City, isa sa Mandaue, at lima sa Cebu City.




