6 October 2024
Calbayog City
Metro

DOTr nangakong bibilisan ang road projects sa Metro Manila

TINIYAK ng Department of Transportation (DOTr) na bibilisan ang pagkumpleto sa road projects makaraang mapaulat na ang Metro Manila ang may pinakamalalang trapiko sa main urban centers sa buong mundo noong 2023. 

Sinabi ni DOTr Secretary Jaime Bautista na bibilisan nila ang pagpapatupad sa mga proyekto habang nakikipagtulungan sa mga akmang ahensya sa tulong din ng pribadong sektor.

Batay sa lumabas na pag-aaral, tumatagal ng average na 25 minutes and 30 seconds para maka-biyahe ng sampung kilometro sa Metro Manila, na mas mabagal ng 50 seconds kumpara sa nakalipas na record.

Sa average, ang isang motorista sa Maynila ay gumugugol ng 240 hours sa pagmamaneho sa loob ng isang taon, at 117 hours dito ay pagkaipit sa trapiko.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *