HINILING ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon sa mga opisyal ng Eastern Visayas na paganahin ang amandayehan port sa Basey, Samar sa loob ng dalawang linggo.
Ito ay upang matugunan ang mga hadlang sa logistics sa gitna ng ipinatutupad na Load Limit sa San Juanico Bridge.
Napaulat na expansion ng Geothermal Project, itinanggi ng mga opisyal sa Biliran
Mga biyahe sa karagatan sa Eastern Visayas, pinayagan na muli ng coast guard
Illegal gun dealer, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Calbayog City
Halos 3 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan, ipinagkaloob ng DOLE sa mga grupo ng kababaihan sa Southern Leyte
Noong linggo ay binisita ni Dizon ang Tacloban at Amandayehan Port at ipinaabot ang kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang matiyak ang tuloy-tuloy na daloy ng supplies sa pagitan Leyte at Samar provinces, sa kabila ng limitadong access sa mahalagang tulay.
Matapos ang inter-agency meeting, binigyang diin ng kalihim na kailangan nilang humanap ng paraan para hindi maputol ang paggalaw ng mga produkto, pagkain, petrolyo at construction materials.
Idinagdag pa ni Dizon na upang matiyak ang improvement ng Amandayehan Port, hiniling niya sa provincial government at sa lokal na pamahalaan ng Basey, Samar na i-turnover ang management ng port sa Philippine Ports Authority (PPA) upang mapaglaanan ito ng pondo para sa rehabilitasyon.
