NAG-deploy ang Department of Science and Technology (DOST) ng 54 million pesos na halaga ng Mobile Command and Control Vehicles (MOCCOV), para palakasin ang disaster response efforts sa Eastern Visayas.
Kabilang sa mga tumanggap ng tatlong sasakyan ay ang Eastern Visayas State University (EVSU) sa Tacloban City, Eastern Samar State University (ESSU) sa Borongan City at lokal na pamahalaan sa Pintuyan, Southern Leyte.
ALSO READ:
3 miyembro ng NPA, patay sa panibagong engkwentro sa Leyte
DepEd Calbayog Stakeholders’ Summit, gaganapin sa Biyernes; magwawagi sa appreciation video, tatanggap ng 20,000 pesos
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
Bawat MOCCOV ay nagkakahalaga ng 18 million pesos, at nagtataglay ito ng weather monitoring station, rescue quadcopter drone, global satellite communication, surveillance equipment, at medical supplies.
Mayroon din itong portable boat para sa rescue operations at isang conference room nagsisilbing mobile command center.
