PINALALAKAS ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kanilang kampanya laban sa child labor, sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mahigit 1.2 million pesos na halaga ng livelihood assistance sa may apatnapung pamilya sa Catbalogan City.
Ayon kay Romeo Mabini Jr., Program-Based Coordinator at Designated Information Officer ng DOLE Samar, ang mga benepisyaryo ay pinili batay sa child laborer profiling na isinagawa simula 2018 hanggang 2022.
16 na pulis, inalis sa pwesto bunsod ng umano’y pag-iinuman sa loob ng istasyon sa Eastern Samar
DPWH, pinayagan ang pagtawid ng 30-ton trucks sa San Juanico Bridge tuwing gabi
Pre-Christmas Trade Fair sa Leyte, kumita ng 6.2 million pesos
Mahigit 600 senior citizens, nakinabang sa Oquendo Social Pension Payout
Sinabi ni Mabini na dati ay mayroong 1,659 child laborers sa lalawigan ng Samar, subalit pagsapit ng December 2024 ay bumaba ang bilang sa 1,450 dahil sa mga programa at hakbang ng gobyerno, kabilang na ang age-related changes.
Inihayag ng DOLE official na nakatakdang mag-benepisyo sa naturang inisyatibo, sa pamamagitan ng DOLE Integrated Livelihood Program ang Barangay Canlapwas at Barangay 13.
Hinimok naman ang mga benepisyaryo na tumutok sa agribusiness, wholesale, at retail business, kabilang na ang sari-sari store.
