MAY idaraos na Nationwide Job Fair ang Department of Labor and Employment ngayong araw, August 19.
Ayon sa DOLE, para sa Metro Manila, magkakaroon ng Job Fair sa Ayala Malls Cloverleaf, Balintawak at sa SM North EDSA Skydome.
Mahigit 1,300 posts na pawang peke at malisyoso, pinaaalis ng PNP sa Meta
Mga mangingisda, kabilang na sa mga benepisyaryo ng P20 na bigas simula sa Aug. 29
COMELEC 95% nang handa para sa BARMM Parliamentary Elections
DPWH-MIMAROPA bumuo ng Fact-Finding Team para imbestigahan ang Flood Control Projects sa rehiyon
Sa Region II naman, idaraos ang Job Fair sa SM Downtown sa Tuguegarao City, Cagayan.
May Job Fair din ngayong araw sa Region V sa Fuerte Sports Complex sa Pili, Camarines Sur at sa BECS Covered Court sa Bacacay, Albay.
Habang sa Region VII, may Job Fair sa PESO Lobby, Convention Center sa Dumaguete City.
Hinikayat ng DOLE ang mga naghahanap ng trabaho na makiisa sa nabanggit na mga Job Fair.