PINAIGTING ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kanilang pag-i-inspeksyon sa mga pribadong establisyimento sa Eastern Samar upang matiyak kung tumatalima ang mga ito sa bagong wage order.
Ayon kay DOLE Eastern Visayas Regional Director Dax Villaruel, labimpitong DOLE Inspectors mula sa regional office at anim na provincial offices ang bumibisita sa workplaces upang matiyak kung nagbabayad ng tamang suweldo ang mga employer sa kanilang mga empleyado.
Sa ilalim ng Wage Order No. 23 na inaprubahan noong Nov. 6, 2023, ang minimum wage earners ay entitled sa 30 pesos na increase sa kanilang arawang sahod.