TINIYAK ng Department of Health (DOH) sa publiko na walang records ng Nipah Virus sa bansa, at may mga nakalatag na safeguards sa bansa na bahagi ng patuloy na paghahanda laban sa naturang sakit.
Sinabi ni DOH Spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo na kabilang ang Pilipinas sa mga bansa, gaya ng Thailand at Taiwan, na pinaigting ang mga hakbang upang mapigilang makapasok ang virus sa kanilang borders.
2 impeachment complaints laban kay VP Sara, idineklarang sufficient in grounds
P3.5 billion, inilaan para tulungan ang mga OFW na apektado ng gulo sa Gitnang Silangan
Excise tax sa oil products, hindi pa malinaw sa Palasyo kung sususpindihin o babawasan
Dagdag-pasahe, ipinag-utos ni PBBM na suspindihin
Idinagdag ni Domingo na nagtalaga ng dedicated spotters na mga nurse sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), na mag-o-obserba sa mga dumarating na pasahero para sa mga senyales at sintomas, gamit ang terminal cameras na maaring bumasa ng temperatura ng indibidwal.
Inobliga rin ang mga bagong dating na pasahero na mag fill-up ng e-travel documents sa loob ng 72 hours upang matukoy ang mga bansa o teritoryo na kanilang binisita.
