20 July 2025
Calbayog City
National

DOH nagtaas ng code white alert bilang paghahanda sa pag-landlfaal ng bagyong crising

doh

Itinaas na ng Department of Health (DOH) ang code white alert bilang paghahanda sa bagyong Crising.

Ayon sa kagawaran ang pagtataas ng alerto sa DOH Operations Center ay para matiyak ang kahandaan sa inaasahang pag-landfall ng bagyo.

Sa ilalim ng Code White Alert, inihahanda ng DOJ OpCen ang mga gamot, medical equipment, at Health Emergency Response Team para sa mga rehiyon na inaasahang tatamaan ng bagyo.

Nakaantabay naman ang National Emergency Hotline 911 at local hotlines para sa mga mangangailangan ng agarang tulong.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).