BINUKSAN ng Department of Health (DOH) ang kanilang kauna-unahang mall-based wellness clinic sa Eastern Visayas sa Robinsons North Tacloban.
Layunin nito na gawing mas accessible ang essential health services sa publiko, partikular sa mall goers.
ALSO READ:
1-billion peso support fund, magpapalakas sa zero balance billing sa provincial hospitals
BFAR, nagsasagawa ng assessment kaugnay ng iligal na pangingisda sa Eastern Visayas
Halos 1,300 na residente sa Calbiga, Samar, may direktang access na sa malinis at ligtas na inuming tubig
6 na miyembro ng NPA, sumuko sa mga awtoridad sa Eastern Visayas
Pinangunahan ni Health Secretary Teodoro Herbosa ang opening, kasama ang mga lokal na opisyal at mga kinatawan mula sa DOH Regional Office.
Ang Tacloban clinic ay ikawalo sa buong bansa at unang wellness clinic na itinayo sa loob ng Robinsons mall.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Herbosa na matugunan ang ilan sa top 10 illnesses o causes of death sa bansa, kabilang ang malnutrition, immunization gaps, HIV, road crashes, mental health concerns, at sexually transmitted infections.
