NAKA-high alert ang Department of Energy (DOE) upang matiyak ang tuloy-tuloy na supply ng kuryente sa buong bansa ngayong eleksyon.
Sinabi ng DOE na simula kahapon ay nag-o-operate ang kanilang Energy Task Force Election (ETFE) ng 24/7, upang maseguro ang integridad ng halalan sa pamamagitan ng hindi pagkakaroon ng power disruptions habang isinasagawa at pagkatapos ng botohan.
Idinagdag ng ahensya na mandato ng task force na tiyakin ang maayos na preemptive measures at rapid response protocols upang masuportahan ang uninterrupted at secure power supply sa buong election period.
Ang ETFE ay binubuo ng key government agencies, private transmission concessionaire, generation companies, distribution utilities, at iba pang mahahalagang institusyon.