IPINAG-utos ng Department of Energy (DOE) sa National Transmission Commission (TransCo) na pangunahan ang planning, financing, at construction ng priority transmission projects.
Ito ay para matiyak ang timely implementation at maiwasan ang delays sa installation at completion ng priority projects.
Nagbabala ang DOE na ang delays sa transmission facilities ay maaaring makasagabal sa alignment ng generation at grid development programs, makaapekto sa pagpasok ng bagong capacity, at magpahina sa kumpiyansa ng investors.
Ang priority projects ay ang mga naka-align sa Philippine energy plan at long-term energy security; mga sumusuporta sa generation, interconnection, at demand growth; at mga na-delay ng interventions.



