4 November 2025
Calbayog City
National

DND chief, nagpaliwanag kung bakit hindi kinausap ang Chinese Counterpart sa Defense Ministers’ Meeting sa ASEAN

NAGPALIWANAG si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. kung bakit hindi nito kinausap ang Chinese Counterpart sa katatapos lamang na 19th ASEAN Defense Ministers’ Meeting (ADMM) sa Malaysia.

Sinabi ni Teodoro na isang araw bago ang Defense Ministers’ Meeting sa Kuala Lumpur, ay nag-release ng Statement ang China na kailangang ayusin ng Pilipinas ang mga pamamaraan nito, kung ayaw nitong magdusa sa kahihinatnan ng mga aksyon nito.

Aniya, kung sinsero ang China ay makikipag-usap siya pero tila sampal sa mukha at hindi niya tatanggapin ang paratang ng China na bina-blackmail ito ng Pilipinas.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).