9 September 2025
Calbayog City
National

DMW may ayuda sa 700 OFWs at kanilang pamilya na naapektuhan ng pagbaha sa Bulacan

dmw

Aabot sa 700 overseas Filipino workers at kanilang pamilya na naapektuhan ng pagbaha sa Bulacan ang napagkalooban ng tulong ng Department of Migrant Workers (DMW) sa pamamagitan ng kanilang AKSYON Fund.

Iniabot ni Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac ang tulong pinansyal sa mga apektadong OFW at kanilang pamilya kasunod ng naranasang matagalang pagbaha sa maraming bayan sa Bulacan.

Nagkaloob din ang Overseas Workers Welfare Administration ng dagdag na tulong sa tatlumpu’t pito pang benepisyaryo na mayroong pangangailangang medikal.

Ang iba na natulungan ding makalahok sa Balik Pinas, Balik HanapBuhay Program.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.