15 March 2025
Calbayog City
Local

4, kabilang ang 3 batang lalaki, nasugatan dahil sa paputok sa Eastern Visayas

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng apat na Fireworks-Related Injuries (FWRI) sa Eastern Visayas, kabilang ang tatlong batang lalaki, sa loob ng isang linggong pagmo-monitor ng ahensya.

Ang mga biktima ay kinabibilangan ng walong taong gulang mula sa Palo, Leyte; anim na taong gulang mula sa Taft, Eastern Samar; bente kwatro anyos na lalaki mula sa Borongan City, sa Eastern Samar.

Nagtamo sila ng head at eye injuries makaraang sindihan ang “lantaka” o “boga”.

Ang ika-apat naman na biktima ay isang labing isang taong gulang na lalaki mula sa Paranas, Samar na nagtamo ng sugat sa kamay makaraang magpaputok ng 5-star na isa mga ipinagbabawal ng pamahalaan.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *