PINAYAGAN ng korte sa Valenzuela si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na dumalo sa imbestigasyon ng Senate Committee on Women, ngayong Martes.
Pinahaharap ng Valenzuela Regional Trial Court Branch 282 si Guo na kilala rin bilang Chinese National na si Guo Hua Ping sa pagdinig ng Senado, mamayang 9:00 ng umaga, batay sa kahilingan ng komite na pinamumunuan ni Senador Risa Hontiveros.
Inatasan ng korte ang PNP Custodial Facility na dalhin si Guo sa naturang public hearing.
Ipinag-utos din ng Valenzuela Court sa PNP na bigyan ng mahigpit na seguridad ang dismissed mayor patungong senado, at magsumite sa korte ng written report pagbalik ng dating alkalde sa PNP Custodial Facility.