NAILIPAT na sa Pasig City Jail Female Dormitory mula sa PNP Custodial Center sa Camp Crame sa Quezon City si Dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Spokesperson, Jail Supt. Jayrex Bustinera, na opisyal na tinanggap sa pasilidad ang dating alkalde, dakong alas nueve y medya ng umaga, kahapon.
Dapat ay noong biyernes pa inilipat si Guo sa Pasig City Jail subalit hindi natuloy dahil hindi pa nakukumpleto ng PNP ang ilang requirements, kabilang ang kanyang medical assessment.
Ang paglipat kay Guo ng kulungan ay alinsunod sa kautusan ng Pasig City Regional Trial Court Branch 167 na dumidinig sa kanyang non-bailable case na Qualified Human Trafficking.