22 December 2025
Calbayog City
Entertainment

Direk Carlo J. Caparas, pumanaw na sa edad na 80

PUMANAW na ang Veteran Filipino Writer-Director at Comic Strip Creator na si Carlo  J.  Caparas sa edad na 80.

Kinumpirma ito ng kanyang anak na si Peach Caparas sa pamamagitan ng isang Facebook post, subalit hindi tinukoy ang dahilan ng pagpanaw ng batikang direktor.

Inanunsyo rin ni Peach na magsisimula ang burol ng kanyang ama ngayong Lunes ng tanghali hanggang hatinggabi sa Golden Haven,  C-5 Extension, sa Las Pinas City.

Si Direk Carlo J. ay nakilala sa kanyang nilikhang superheroes at mga karakter sa pamamagitan ng kanyang comic strips, gaya ng Panday, Totoy Bato, Bakekang, Gagambino, at Elias Paniki.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *