Arestado ang dinismis na contractual employee ng Bureau of Immigration matapos makumpiskahan ng hindi lisensyadong baril sa punong tanggapan ng Department of Justice (DOJ) sa Maynila.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, nakipag-selfie pa sa kanya ang lalaki bago naaresto ng mga security guard matapos ma-obserbahan ang kahina-hinala nitong kilos.
ALSO READ:
DepEd NCR, nag suspinde ng Face-to-Face Classes ngayong Lunes hanggang bukas
Maynila, nakakolekta na ng 160 million pesos na buwis mula sa Flood Control Contractors
Navotas Floodgate, nabutas matapos mabangga ng barko
DOTr, binigyan ng Special Permits ang mahigit 200 na bus para magsakay ng mga pasahero sa NIA Road
Sinabi pa ng kalihim na sinasamantala rin ng ibang indibidwal ang selfie culture sa bansa, kaya dapat ay matuto ang mga opisyal na tumanggi, nang hindi minamasama ng iba.
Samantala, kinumpirma ni Immigration Spokesperson Dana Sandoval na ang suspek ay dating contractual employee ng BI, at tinerminate ang kontrata nito noong Marso bunsod ng pagkakasangkot sa mga iligal na aktibidad.