Naranasan ang mahinang phreatic eruption sa Taal Volcano sa Batangas.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), 1:59 a.m. ng Sept. 25, nang maitala ang mahinang pagputok mula sa main crater ng bulkan.
Inihayag ng PHIVOLCS na nagdulot ang mahinang pagputok o tinatawag na “pusngat” ng mga lokal, ng animnaraang metrong taas ng makapal na usok na tinangay patungong timog kanluran.
Sa pinakahuling bulletin, nakapagtala ang ahensya ng 4,899 tons ng sulfur dioxide na ibinuga ng bulkan at na-obserbahan din ang biglang pag-akyat ng mainit na volcanic fluids sa main crater lake ng Taal.