NANAWAGAN muli ang Department of the Interior and Local Government (DILG) Regional Office sa Tacloban City sa mga Local Government Unit (LGU) na ipatupad ang Ease of Doing Business (EODB) Reforms.
Sa Statement, binigyang diin ni DILG Eastern Visayas Regional Director Arnel Agabe ang kahalagahan ng pagtalima sa Republic Act No. 11032 o The Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.
Pamamaril sa DPWH engineer ng aktibong sundalo sa Northern Samar, kinundena ng Philippine Army
Provincial Government ng Samar, kinilala ang lakas, pamumuno, at kontribusyon ng kababaihan ngayong Women’s Month
DPWH personnel sa Northern Samar, patay sa pamamaril
Eastern Visayas, inihahanda ng DOT bilang tourism investment hub
Sa pamamagitan aniya ng mga reporma ay magkakaroon ng kapangyarihan ang mga mamamayan sa bawat munisipalidad sa rehiyon.
Sinabi ng DILG Official na “notable yet uneven” ang implementasyon ng EODB sa Eastern Visayas.
Nasa 73.37 percent ng mga barangay ay mayroong Integrated Barangay Clearances sa LGU Permitting Process habang 64 percent ng LGUs ang nakapag-establish ng Year-Round Business One-Stop Shops.
Gayunman, 57.7 percent lamang ng mga lungsod at munisipalidad ang Updated ang kanilang Revenue Codes, at 64 percent ang nag-revise ng kanilang Local Investment and Incentive Codes.
