KINUMPIRMA ng malakanyang ang pagbibitiw ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy.
Ayon kay palace press officer undersecretary, Atty. Claire Castro, tinanggap ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ang resignation ni Uy, kahapon.
Sinabi ni Castro na isang officer-in-charge ang pansamantalang pupuno sa binakanteng posisyon ni Uy hanggang sa makapili si Pangulong Marcos ng bagong kalihim ng DICT.
Wala namang ibinigay na impormasyon sa dahilan ng pabibitiw ni Uy.