UMABOT na sa halos 40 billion pesos ang mga dibidendo na nakolekta mula sa Government-Owned or-Controlled Corporations (GOCCs), as of April 24, ngayong taon.
Ayon sa Department of Finance, nasa 39.8 billion pesos na ang mga nakolektang dibidendo, kumpara sa 8 billion pesos na koleksyon sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Alinsunod sa Republic Act 7656 o Dividends Law of 1994, obligado ang lahat GOCC na ideklara at i-remit ang at least 50 percent ng kanilang annual net earnings sa national government.
Noong 2023 ay itinaas ni Finance Secretary Ralph Recto ang dividend rate remittance ng GOCCs mula sa kanilang net earnings sa minimum na 50 percent hanggang sa maximum na 75 percent.