20 August 2025
Calbayog City
National

Diabetes, nananatiling pang-5 sakit na sanhi ng pagkamatay sa bansa

NANANATILING ang Diabetes ang ikalima sa mga sakit na nagiging sanhi ng kamatayan sa bansa.

Ayon sa Department of Health batay ito sa datos ng Philippine Statistics Authority noong nakaraang taon.

Ayon naman sa datos ng Field Health Services Information System, 4.34 percent ng populasyon sa Pilipinas ang may Diabetes.

Paalala ng DOH sa publiko para makaiwas sa sakit na Diabetes gawin lamang ang sumusunod na mga hakbang:

Kumain ng masustansyang pagkain
Regular na mag-ehersisyo
Panatilihin ang tamang timbang
Huwag manigarilyo at huwag mag-vape
Iwasan ang pag-inom ng alak
Regular na magpa-checkup kahit walang nararamdaman

Malaking tulong din ang maagang pagpapakonsulta sa sa doktor para maagapan ang sakit.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).