Ipagpapatuloy ng Philippine Army sa Eastern Visayas ang kanilang Localized Peace Engagement (LPE) upang matuldukan ang insurhensiya sa kabila ng pagbuhay sa negosasyon sa pagitan ng pamahalaan at National Democratic Front (NDF).
Sinabi ni Brig. Gen. Noel Vestuir, Commander ng 802nd Infrantry Brigade na naka-base sa Borongan City, Eastern Samar, na naging napaka-epektibo ng LPE sa kanilang kampanya upang mahikayat ang mga rebelde na sumuko.
Ipinaliwanag ni Vestuir na ang peace talks sa national level at sa kanilang Localized Peace Agreement ay magkaiba ng mga layunin.
Mula nang mailipat ang 802nd Infrantry Bigade sa Eastern Samar mula sa Leyte noong hunyo ay umabot na sa 25 NPA members, 19 militia ng bayan members at 61 underground mass organization members ang sumuko sa mga lokal na otoridad.