PATAY ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo makaraang sumalpok sa center island sa Sampaloc, Maynila.
Kinilala ng Manila Police District (MPD) ang mga biktima na si Reana Antonette Tomas, rider ng motorsiklo, residente ng Paranaque City at pasahero nito na si Ana Mae Adlaon ng Misamis Oriental.
Batay sa police report, binabaybay ng motorsiklo ang Northbound Lane ng Lacson Corner G. Tuazon sa Sampaloc nang biglang mawalan ng kontrol sa manibela ang rider saka sumalpok sa center island.
Sa lakas ng impact, tumilapon ang dalawang babae, labinlimang metro ang layo mula sa kanilang motorsiklo.
Ayon sa medical responders, nakasuot naman ng helmet ang mga biktima subalit idineklara silang dead on the spot bunsod ng matinding pinsala sa ulo.