KINONDENA ng Pamahalaan ang panibagong insidente ng pagpapakawala ng ballistic missile ng Democratic People’s Republic of Korea (DPRK).
Ayon sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Pilipinas ay labis na nabahala sa naturang insidente.
Sinabi ng DFA na ang ganitong mapaghamong mga hakbang ay hindi nakatutulong sa economic progress, peace at stability sa Korean Peninsula at sa Indo-Pacific Region.
Muli ay nanawagan ang DFA sa DPRK na ihinto ang mga ganitong uri ng aktibidad at sumunod sa kanilang international obligations kabilang ang mga nakasaad sa UN Security Council Resolutions.