NAKIPAGPULONG si Foreign Affairs Secretary General Ma. Theresa Lazaro sa secretary general ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), para talakayin ang paghahanda ng Pilipinas para sa Hosting ng Meetings and Summits ng Regional Bloc sa susunod na taon.
Mapupunta sa Pilipinas ang Rotating Chairmanship ng 10-Member Regional Organization simula sa January 2026 at magho-host ng Preparatory Meetings, Ministerial Meetings at Summits, na inaasahang dadaluhan ni US President Donald Trump at iba’t ibang lider mula sa Japan, China, Russia at iba pang mga bansa.
Senior citizens na nakatanggap ng Social Pension noong nakaraang taon, lagpas pa sa target
Pangulong Marcos, nagbigay ng financial assistance at medical equipment sa ospital sa Cebu
Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, maari nang i-deport ng US, ayon kay Ombudsman Remulla
Atong Ang, Number 1 Most Wanted sa bansa ayon sa DILG; Red Notice laban sa negosyante, ihihirit ng pamahalaan
Sa X, sinabi ni Lazaro na nag-usap sila ni ASEAN Secretary General Kao Kim Hourn sa Kuala Lumpur sa Malaysia, sa Sidelines ng 5th ASEAN Ministerial Meeting para sa preparasyon ng Pilipinas sa 2026 ASEAN Chairmanship.
Huling nag-host ng ASEAN Meetings ang Pilipinas noong 2017.
Ang ASEAN Member-Countries ay kinabibilangan ng Pilipinas, Singapore, Thailand, Indonesia, Malaysia, Brunei, Vietnam, Laos, Cambodia, at Myanmar.
